itong nakaraang miyerkules, sa takdang oras ng ikalabindalawa ng tanghali, nawala sa aming buhay ang isa sa mga "generation" na magpapatuloy ng 'legacy' ng "barrientos". sa hindi inaasahan ng pagkakataon, lahat ay nabigla sa kanyang pagkawala. napakasakit at napakalungkot ang mga araw na nagdadaan. nagkakaroon ng pangamba kung bakit sa ganoong paraan humantong ang buhay na napaaga pa. may mga buhay na ayaw magtapos kahit na ano mang pagdudusa ang sinasapit sa kadahilang maikli ang panahon dito sa lupa.
katulad na rin ng aking sinulat sa isa mga "blog" ko, na mayroon kadahilanang kung bakit nangyayari sa buhay ng tao ang mga bagay bagay na hindi mo inaasahan sa kasalukuyan. maaring hindi maibigay ang kasagutan sa ngayon ngunit darating ang araw na inaasam asam mong kasagutan ay darating na hindi sa oras na iyong inaasahan.
sa kasalukuyan, hindi lang ang ama at ina ang nakakaranas ng kadiliman ganuon din ang mga kamag-anak na nakapaligid sa kanila. dumadaloy ang luha sa kabigatan ng puso sa tinding kalungkutan.
dito napatunayan na ang pagmamahalan ng isat isa ng kamag-anakan ay napakalakas lalong lalo na sa pagkakataon na ito. nagsasamasama at nagiging isa na palipasin ang bagyong dumadaan.
kahit na hindi namin gusto ang mga nangyari, yuko ang aming ulo at tatanggapin ng bukas sa aming damdamin dahil yuon ang kagustuhan mo. hahanap hanapin ka namin sa mga araw pang darating.
sa iyong pagyao, sana'y maging maliwanag at mapayapa ang daan patungo sa kalangitan. at sa oras ng huling hininga namin dito sa lupa, kami'y umaasa na ikaw ang sasalubong sa amin sa gintong pinto ng walang hanggang kaligayahan.
Saturday, April 11, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)