Thursday, April 8, 2010

hinahanap-hanap pa rin kita

sa araw na ito at kaninang ikalabindalawa ng tanghali nanumbalik ang iyong maagang pagkawala dito sa mundo. hinahanap hanap ka pa rin namin at nanghihinayang sa mga pagkakataon na dapat kabilang ka.

alam namin na dahil sa hilaw na pagiisip kaya mo nagawa ang isang bagay na di dapat gawin. mabigat ang aming damdamin lalo't kung sumasapit ang araw na ito. bumabalik ang magandang nakaraan at nagtatapos sa kadiliman.

ang aming panalangin, maging mapayapa ka kung saan ka man naruruon. at kung sa oras ng aming paguwi, harinawa'y isa ka sa mga naghihintay sa aming pagdating.

mahal ka namin.